Friday, June 24, 2011

RA 9003 10 taon ang nakalipas bakit hindi parin mapatupad?

In nature there's no such thing as waste, dahil sa katalinuhan ng tao ay nagkaroon tayo ng basura na di na mapapakinabangan ng ibang organismo.

Matapos ang Payatas Tragedy, Bahang dulot ng Bagyong Ondoy at iba pang sakunang may kinalaman ang basurang nililikha natin sa araw-araw ay nagkaroon ng mga pagkilos upang mabawasan ang mga basura ngunit ito’y naging ningas cogon lamang. Ang karamihan ng tao ay nakuntento na lang sa pagtatapon ng kanilang basura sa basurahan, pero naisip ba natin kung saan napupunta ang basurang nilikha natin, bukod pa dito ang walang habas na pagtatapon ng basura sa ilog na syang unti-unting pumapatay sa mga ilog natin at iba pang anyong tubig.

Matagal na po nating alam ang solusyon sa problemang ito pero iilan lang ang kumikilos, kapag may trahedyang nagaganap ay saka lang kikilos, kailangan pa bang marami pa ang magbuhis ng buhay bago tayo kumilos muli?

R.A. 9003 o ang Ecological solid waste management act of 2000 ay malaki ang maitutulong para mabawasan ang malaking problema natin sa basura. 2011 na ngayon pero iilang barangay at bayan palang ang sumusunod sa batas na ito na dapat ay noong June 2009 pa ito ganap na naipatupad sa buong bansa, ito ay ayon sa deadline na ibinigay ng dating Pangulong Gloria Aroyo. Kung nasunod lamang at naipatupad ng maayos ang batas na ito , sana ay hindi na ganun kalaki ang problema ng ating bansa pag dating sa basura.

The Law applies to all otherwise none at all.

Para saan ba ang Batas kung di rin naman maipapatupad, simpleng paghihiwalay lang ay di pa magawa, pati narin ang hiwalay na paghahakot ng mga basura. May pondo naman sana sa pagtatayo ng Material Recovery Facilities sa mga barangay at lungsod pero bakit mukhang wala atang kumikilos para dito. may mga programa naman para sa education at information dissemination pero bakit hindi ginagawa, hanggang ngayon ay unti parin sa mamamayan ang nakakaalam sa batas na ito dahil sa kakulangan na din ng Local Government Units.

Bakit wala pang kontraktor na taga hakot ng basura ang napatawan ng parusa gayong maliwanag ang isinasaad ng batas, bakit walang LGU ang napaparusahan sa di pagsunod nito?

Kailan tayo kikilos?
Aantayin pa natin na marami pang magbuhis ng buhay?


Saturday, May 21, 2011

Opinion ko lang tungkol sa Freedom Climb.



Una ang sinasabi nilang pagkuha ng record na may pinakamaraming magsummit sa isang araw ay may masamang epekto sa kabundukan, ang grupo namin ay nagpractice ng low-impact mountaineering kaya nga kapag-umaakyat kami ay limitado lang ang numero ng umaakyat, naexperience kasi namin na ang mga invitational climb na napakarami ng participants ay nakakasira ng bundok, alam po ito ng mga nakasama sa Annual Climb ng HALMS sa Mt. Halcon at sa iba pa pong nag-oorganisa ng mga invitational climb, ang pepekto po nito ay makikita agad  maging sa trail hanggang sa campsite,wag po nating kalimutan na may carrying capacity ang bawat bundok at hanggang maaari nga ay di ito masagad o maabot, wag din nating kalimutan na hindi lang po isang grupo ang aakyat sa araw na iyon, di po natin pagmamay-ari ang bundok at di natin pedeng pigilan ang ibang taong gustong umakyat din sa bundok sa araw na iyon.Nakausap ko po ang ilang officers ng FIMO noong nagmarshal kami sa 1st Tarak Peak National Open Team Endurance Competition at ang sagot nila dito ay batid daw po nila na bawat bundok ay may carrying capacity kaya po may allowance daw po silang gagwin sa dami ng tao para po sa participants ng Freedom Climb, kaya nga daw po sa online daw ang registration para po mamonitor at malimitahan ang participants sa bawat bundok. Ang katanungan ko lang dito ay ganito, gaano po kaepektibo ang sistema nilang ito, wag po nating kalimutan na parami na ng parami ang mga mountaineers sa pilipinas at idagdag pa natin ang mga locals na gusto rin umakyat, isama na din po natin ang mga taong gusto lang umakyat sa mga bundok pero di naman nila itinuturing ang sarili bilang mountaineer.

Pangalawa po ay ang sinasabi nilang pagtulong sa kalikasana sa pamamagitan ng tree planting sa mga piling bundok na hawak ng DENR. Napakaganda pong pakinggan  pero ito kaya ay epektibo? Sa amin pong karanasan sa pagsasagawa ng Tree planting ay napag-alaman namin na napakalaking prosyento po ang Mortality rate sa mga punong itinatanim, idagdag pa po natin ang sitwasyon sa ibang bundok na walang pong nangangalaga sa mga itinatamin po natin, Kung magtatanim po ay kinakailangan ng tulong ng locals at ng Local Government Unit para po masiguro na ang itinatanim po ay maalagaan at mabubuhay, kapag wala po tayong mekanismo na magsisiguro nito ay para lang po tayong nagsasayang ng pera at pondo at gayon narin po ang pagsasayang ng panahon sa isang gawain na wala namang maidudulot na maganda para sa kalikasan. ito po ay magsisilbing isang propaganda lamang na wala naman talagang laman.

Kahit marami po sa officers at members ng FIMO ang kaibigan ko at akin na pong nakilala at nakasama ay di po ako sumasang-ayon sa Freedom Climb, kasama po ang aming organisasyon. kaya nga po hindi kami sumali sa Federation at sa ibang Mountaineering alliance para di po kami maging parti sa mga ganitong klaseng gawain, lalo na po ang pagpapaakyat ng napakaraming tao sa bundok para lang po sa isang layunin na magset ng record at sa ibang grupo naman po na para lang gawing negosyo ang pag-oorganisa ng Invitational Climbs o di kaya ay para sumikat at gumawa ng pangalan.

Maaari po tayong makatulong sa kalikasan at sa locals sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng ibang gawain gaya po ng outreach programs, alternative Education, Environmental Education, Seminars para po sa Peoples Organizations, mga gawaing magpapatatag Partnership ng Peoples Organization at Local Government Units, at Peoples Empowerment.

Di po tayo superhero, ang kailangan po ngayon ay makasama ang locals kasama ang LGU para po makabuo ng mga programa na makakatulong sa kanila at mapangalagaan ang kalikasan.

Jeffrey Atienza Gallardo
Founding President
Sang-at-Uli Mountaineering Society

From Mountaineering to Green Army

Sang-at-Uli Mountaineering Society started as a collective of nature and outdoor oriented students of Philippine Normal University. A collective of students that came from different Department Based Organizations and ICUCOS like Biological Society, Social Science Club, English Club and Movement for the Advancement of Student Power.

In 1997 the collective tried to establish a mountaineering society but all of these efforts did not materialized because of some problems encountered by the members of the collective. During the first quarter of 1998 the Idea of establishing a mountaineering organization came, now with the help of a new batch of biology majors, debates within the collective occurred if the organization will be established as a pure mountaineering organization or as a progressive ecological mountaineering organization. After a long debate and exchange of ideas the collective came up with a decision stating that the organization will be a progressive ecological mountaineering organization that will cater the needs of the PNU students and will be a partner organization of MASP in raising the awareness of the PNU community. A new lane of struggle, a struggle for the protection of the environment, will be headed by the organization inside the campus.

 During the first State of the Nation Address of the ex-president Joseph Ejercito Estrada, July 27, 1998, the first mountaineering and ecological mountaineering organization of Philippine Normal University was founded and been known as PNU-Sang-at-Uli Mountaineering Society or PNU-SUMSOC. Different environmental activities were organized with the help of different partner organizations such as the Biological Society, Social Science Club and Movement for the Advancement of Students Power. As time goes by SUMSOC became a member of Haribon Youth and been connected to other environmental groups and NGO's such as the Green Forum, Haribon Foundation, SEARICE, Philippine Greens, Green Peace Southeast Asia Campaign, Ecowaste Coalition, Akbayan and conducted different forum and symposium inside the campus. SUMSOC conducted different Campaigns such as the Anti-GMO, Clean Air act, Global Warming and Climate Change, Anti-Mining, NO to BNPP, Anti-VFA, No to JPEPA, Anti-Globalization/WTO, Food not Bombs/ Stop the war,  Anti-Toxic waste, Erap Resign Campaign,  Ecological Solid waste management, Clean-up campaigns and others.

Sang-at-Uli Mountaineering Society will always be a part of the mass active pressure groups and will always be a part of the Green Movement in the Philippines.

Long Live the Environmental Struggle!

Long Live The Green Movement!