Saturday, May 21, 2011

Opinion ko lang tungkol sa Freedom Climb.



Una ang sinasabi nilang pagkuha ng record na may pinakamaraming magsummit sa isang araw ay may masamang epekto sa kabundukan, ang grupo namin ay nagpractice ng low-impact mountaineering kaya nga kapag-umaakyat kami ay limitado lang ang numero ng umaakyat, naexperience kasi namin na ang mga invitational climb na napakarami ng participants ay nakakasira ng bundok, alam po ito ng mga nakasama sa Annual Climb ng HALMS sa Mt. Halcon at sa iba pa pong nag-oorganisa ng mga invitational climb, ang pepekto po nito ay makikita agad  maging sa trail hanggang sa campsite,wag po nating kalimutan na may carrying capacity ang bawat bundok at hanggang maaari nga ay di ito masagad o maabot, wag din nating kalimutan na hindi lang po isang grupo ang aakyat sa araw na iyon, di po natin pagmamay-ari ang bundok at di natin pedeng pigilan ang ibang taong gustong umakyat din sa bundok sa araw na iyon.Nakausap ko po ang ilang officers ng FIMO noong nagmarshal kami sa 1st Tarak Peak National Open Team Endurance Competition at ang sagot nila dito ay batid daw po nila na bawat bundok ay may carrying capacity kaya po may allowance daw po silang gagwin sa dami ng tao para po sa participants ng Freedom Climb, kaya nga daw po sa online daw ang registration para po mamonitor at malimitahan ang participants sa bawat bundok. Ang katanungan ko lang dito ay ganito, gaano po kaepektibo ang sistema nilang ito, wag po nating kalimutan na parami na ng parami ang mga mountaineers sa pilipinas at idagdag pa natin ang mga locals na gusto rin umakyat, isama na din po natin ang mga taong gusto lang umakyat sa mga bundok pero di naman nila itinuturing ang sarili bilang mountaineer.

Pangalawa po ay ang sinasabi nilang pagtulong sa kalikasana sa pamamagitan ng tree planting sa mga piling bundok na hawak ng DENR. Napakaganda pong pakinggan  pero ito kaya ay epektibo? Sa amin pong karanasan sa pagsasagawa ng Tree planting ay napag-alaman namin na napakalaking prosyento po ang Mortality rate sa mga punong itinatanim, idagdag pa po natin ang sitwasyon sa ibang bundok na walang pong nangangalaga sa mga itinatamin po natin, Kung magtatanim po ay kinakailangan ng tulong ng locals at ng Local Government Unit para po masiguro na ang itinatanim po ay maalagaan at mabubuhay, kapag wala po tayong mekanismo na magsisiguro nito ay para lang po tayong nagsasayang ng pera at pondo at gayon narin po ang pagsasayang ng panahon sa isang gawain na wala namang maidudulot na maganda para sa kalikasan. ito po ay magsisilbing isang propaganda lamang na wala naman talagang laman.

Kahit marami po sa officers at members ng FIMO ang kaibigan ko at akin na pong nakilala at nakasama ay di po ako sumasang-ayon sa Freedom Climb, kasama po ang aming organisasyon. kaya nga po hindi kami sumali sa Federation at sa ibang Mountaineering alliance para di po kami maging parti sa mga ganitong klaseng gawain, lalo na po ang pagpapaakyat ng napakaraming tao sa bundok para lang po sa isang layunin na magset ng record at sa ibang grupo naman po na para lang gawing negosyo ang pag-oorganisa ng Invitational Climbs o di kaya ay para sumikat at gumawa ng pangalan.

Maaari po tayong makatulong sa kalikasan at sa locals sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng ibang gawain gaya po ng outreach programs, alternative Education, Environmental Education, Seminars para po sa Peoples Organizations, mga gawaing magpapatatag Partnership ng Peoples Organization at Local Government Units, at Peoples Empowerment.

Di po tayo superhero, ang kailangan po ngayon ay makasama ang locals kasama ang LGU para po makabuo ng mga programa na makakatulong sa kanila at mapangalagaan ang kalikasan.

Jeffrey Atienza Gallardo
Founding President
Sang-at-Uli Mountaineering Society

No comments:

Post a Comment